Bionotes
Siya ay ipinanganak sa Cavite City noong September 28, 1980. Ang kanyang mga magulang ay sina Danilo Chua at Corazon Reyes na parehong tubong Cavite din. Nanggaling ang kanyang political bloodine sa mga Reyes bilang great grandson ni Congressman Augusto Reyes Sr. na nahalal na kongresista ng Cavite noong 1925 kasabay nina Manuel Quezon noong Commonwealth government.
Ang kanyang First Cousin na si Former Councilor Augusto "Gugu" Reyes III ay nagsilbi ding konsehal ng Cavite City hanggang taong 1998. Si Dino ay nagtapos ng Highschool sa San Sebastian College de Cavite noong 1996. Tinapos niya ang kursong B.S. in Business Administration sa De La Salle University- CSB, Taft avenue, Manila noong 2000. Siya din ay kumuha ng Masters in Business Administration at Executive Education sa Stanford University, California, USA. Kasulukuyan niyang tinatapos ang Bachelor of Law sa San Beda College of Law. 
Si Dino ay maagang napalaot sa larangan ng serbisyo publiko. Nagsimula ito ng siya ay mahalal na topnotcher (No.1) Councilor ng Cavite City. Siya din ay nagsilbing pinaka-batang Vice Mayor ng Cavite City sa edad na 23 anyos lamang.
Bukod sa pagiging lingkod-Bayan, Si Dino ay isang batang negosyante din. Siya ang nagtayo ng kauna-unahang Radio Station sa Cavite, ang 91.9 The BombFM Radio.
Siya din ay Franchise Owner ng Padis Point Restaurant sa Cavite at President / Owner ng El Palacio Hotel and Resort. 
Siya din ay part owner sa ibat-ibang negosyo na may interest sa Petroleum business, schools, food, manufacturing, construction, realty and development. Si Dino din ay aktibo sa ibat-ibang civic organizations tulad ng Rotary Club (President), Philippine Jaycees (Past President), Lions Club (Vice-Pres.), Kiwanis (Vice-Pres.) at iba pang Non-Government Organizations.
Siya din ang Founder ng Partylist ni Manny Pacquiao na ang hangarin ay palakasin ang sports at kabataan sa ating bayan. Layunin ng Party List na ito (Pwersa ng Bayaning Atleta) na magkaroon ng kinatawan sa kongreso ang mga Atletang Pinoy na lagging nag aangat ng ating bandila maging sa ibang bansa. 
Si Dino Chua ay kasalukuyan No. 1 Provincial BoardMember ng 1st District of Cavite.
Want to know more about Dino Reyes-Chua? You may read a page in Wikipedia about Him. 